Senior Year Hangover.
Minsan, marerealize mo na hindi mo namimiss ang highschool dahil preoccupied ka sa mga nangyayari sa’yo sa college. Mas magiging preoccupied ka pa pagkatapos mo do’n. At aminin mo man o hindi, hindi mo pa lubos na kilala ang sarili mo nung highschool ka. Pagkatapos ng lahat, paglipas ng panahon, huwag kang aasang katulad ka pa rin ng dati. ‘Wag mong hahayaang kainin ka ng mga alaala mo nung highschool ka. You reminisce AND YOU MOVE ON. May buhay pa pagkatapos ng highschool. Hindi buong buhay mo iikot lang do’n lahat. We grow, we change. Nakabuti o nakasama man ‘yan, at least nagkaroon ka ng lakas ng loob na hanapin ang sarili mo. At ‘yan ang ‘wag na ‘wag mong ipagkait sa sarili mo.
Sa tingin ko hindi masamang mag-reminisce ng highschool memories, pero tandaan mong hanggang do’n na lang ‘yon. At lalong hindi masama ang iwanan mo ang highschool para mahanap mo ang sarili mo. Oo, malaking bahagi ‘yon ng buhay mo, pero ang nakaraan ay nandiyan para gunitain mo, hindi para diktahan ang takbo ng buhay mo.
Ngayon, masasabi ko na iniwanan ko na ang highschool. Mas gusto kong hanapin ang sarili ko at suungin ang mas malaking mundo kaysa sa pagiging cheesy-mushy, drama queen, pamomoblema sa mga superficial issues at iba pa. Ngunit ang lahat ng ito ay mananatili sa aking alaala. Ang masasabi ko lang, kawalan sa akin ang pag-iwan ko sa highschool, ngunit mas kawala sa akin kung ipagkakait ko ang pagkakataong makilala ang sarili ko.